May aabot 35 na volunteers ang tumugon sa tawag ng Department of Trade and Industry – Romblon at Philippine Red Cross (PRC) Romblon para mag-donate ng dugo upang makaligtas ng buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ang mga bag ng dugo ay kinuha sa isang bloodletting activity na inorganisa ng DTI-Romblon bilang bahagi ng pag-obserba sa Consumer Well Fair Month 2021.
Ginanap ang nasabing aktibidad sa Romblon State University Main Campus.
ADVERTISEMENT