Makakaranas ng water interruption ang ilang barangay sa bayan ng Odiongan na sineserbisyuhan ng Odiongan Water District sa darating na February 16.
Ayon sa advisory na inilabas ng OWA nitong Miyerkules, February 10, ang gagawing ‘quaterly cleaning of intake boxes’ ang dahilan ng water interruption.
Ang mga apektadong lugar ay ang Barangay Rizal, Mayha, Taboboan, Tulay, Bangon, Anahao, Liwanag, Liwayway, Tabing-Dagat, Ligaya, Dapawan, Budiong at Poctoy.
Pinapayuhan ng OWA ang publiko na mag-ipon ng kakailanganing tubig sa darating na araw.