Arestado sa magkahiwalay na operasyon ang dalawang binantang wanted dahil sa kinakaharap nilang kasong rape.
Unang naaresto ng Cajidiocan Municipal Police Station si Lino Magallon Ramilo, 20, sa Barangay Lumbang Weste, Cajidiocan dahil sa warrant of arrest na inilabas noong December 10, 2020.
May kinakaharap itong kasong Rape in relation sa Republic Act 7610.
Ayon sa Romblon Police Provincia Office, Top 3 most wanted ng probinsya ng Romblon si Ramilo.
Nakakulong na ito ngayon at walang itinakdang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Samantala, Top 5 most wanted person naman ng San Jose, Romblon ang inaresto ng San Jose Municipal Police STation kahapon, February 2 sa Sitio Buyahon, Brgy. Pinamihagan.
Ang suspek ay kinilalang si Ronel Nadong Domingo, 21 anyos, isang mangingisda.
Ayon sa pulisya, si Domingo ay may warrant of arrest rin na inilabas noong ika-20 ng Enero mula sa Regional Trial Court Branch 82, Odiongan, Romblon.
Nakakulong na ito ngayon at maaring makalaya pansamantala kung magbabayad ng P200,000 na piyansa sa korte.