Sugatan ang isang 18 taong gulang na binata matapos itong maaksidente sa Sitio Agbunyog Baybay, Barangay Concepcion Sur sa bayan ng Santa Maria, Romblon nitong madaling araw ng Martes, February 2.
Kinilala ang biktima na si Khiel Deo Manipol Marcelo, 18, isang estudyante.
Sa ulat ng pulisya, binabaybay ni Marcelo ang kalsada sa bahagi ng Sitio Agbunyog Baybay gamit ang isang scooter nang bigla itong mawalan ng kontrol sa minamaneho at maaksidente.
Tumama ito sa may concrete gutter sa gilid ng kalsada dahilan ng kanyang pag semplang.
Nagtamo ito ng sugat sa ulo kaya agad itong isinugod sa Don Modesto Formilleza Sr Memorial Hospital sa bayan ng Looc kung saan siya ginamot.
Nagpapagaling na ito ngayon sa opsital.