Isang 87 taong gulang na Lola sa bayan ng Romblon, Romblon ang bagong dagdag sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa probinsya.
Ayon sa Romblon Rural Health Unit, siya ay walang travel history at posibleng nahawa sa pamamagitan ng local transmission.
Siya ay dinala sa Romblon District Hospital noong February 20 at nagpositibo sa antigen test bago pumasok sa hospital kaya siya ay naka-isolate.
Kinuhaan siya ng swab test noong Febraury 23 at nitong Biyernes dumating ang positibong resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Siya ay smyptomatic ayon sa Romblon Rural Health Unit.
Dahil dito, kasalukuyang lima ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bayan.
Nagsasagawa na ng contact tracing ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan at DILG para matukoy ang mga nakasalamuha ng pasyente.