Ang February 15 ay ituturing ng iba na Singles Awareness Day ngunit para sa 38 namagsing-irog sa bayan ng Odiongan, ang araw na ito ang pinakamasaya sa buhay nila.
Sabay-sabay kasi silang ikinasal nitong Lunes sa libreng kasalang bayan na handog sa kanila ng lokal na pamahalaan ng Odiongan kasama ang ibang sponsors.
Halos libre ang lahat sa nasabing kasalan kabilang na ang napakagandang venu at decorations.
Libre rin ang make-up, sandals at iba pang gamit ng mga ikinasal.
Sa mensahe ng alkalde ng bayan na siyang kumasal sa 38 na pares, sinabi nitong mahalaga ang pagpapakasal upang maprotektahan ng saligang batas ang kanilang pagsasama kabilang na ang kanilang mga anak.