Muling nagpakitang gilas sa larangan ng chess ang chess genius na si Jasper Faeldonia mula Odiongan, Romblon, matapos itanghal na kampeon sa online tournament ng Romblon Chess Club (RCC).
Ito na ang ikaapat na korona ni Faeldonia na panalo rin sa 4th, 5th, at 7th edition ng blitz online chess tournament sa lichess.org.
Ang Grade 10 student at varsity player ng Arellano University ay nakakuha ng 12 wins at 1 loss sa 13-round Swiss system.
Nakuha naman ang second place ni Bryan Blair Fallarme ng Corcuera, at ang 3rd place ni Jerry Morda Jr., ng Corcuera.
Matatandaang dalawang taon na ang nakalipas ng itanghal rin si Faeldonia na co-champion sa Singapore National Age Group Chess Championships.