Huli sa operasyon ng Inter Agency Council for Traffic (IACT) sa bahagi ng Lawton sa Lungsod ng Maynila ngayong araw ang isang colorum na van na may sakay na mga pasahero mula Romblon.
Ayon kay I-ACT chief, Col. Joel Bonnevie, ang nasabing van ay nagsakay ng mga pasahero galing Romblon at naniningil umano ng P2,500 sa bawat pasaherong sakay niya.
Ito ay posibleng nangongontrata ng mga pasaherong galing Romblon, at bumababa ng Batangas port, na patungong Metro Manila.
Ang mga colorum na van ay mai-impound at P200,000 ang multa bago ito muling matubos ng may-ari.