Magkasunod na naaresto ngayong Martes ng mga kapulisan sa probinsya ang apat na wanted dahil sa kani-kanilang mga kinakaharap na kaso.
Unang naaresto ng pulisya sina Jessie Rivera, 34; at Maniato River, 45, sa Barangay Otod, San Fernando, Romblon dahil sa kanilang kinakaharap na kasong may kinalaman sa iligal na istilo ng pangingisda.
January 11 lumabas ang kanilang warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 81, Romblon, Romblon.
Alas-6 naman ng gabi naaresto ng mga tauhan ng kapulisan sa Santa Maria, Romblon ang dalawa namang wanted dahil sa kinakaharap na kasong paglabag sa Section 4 ng Republic Act 8048 o mas kilalang Coconut Preservation Act of 1995.
Kinilala ang mga naaresto na sina Berdan Rosa, 33; at Aser Rosa, 39, pawang mga residente ng bayan.
Nakakulong na ngayon ang dalawa sa Santa Maria Municipal Police Station at ihaharap sa Regional Trial Court Branch 81, Romblon, Romblon.
Maaring makalabas ang apat kung magbabayad ng kaukulang piyansa.
Wala silang mga pahayag.