Simula ngayong Biyernes, December 18, bawal na sa bayan ng Banton ang paglabas ng kanilang bahay ng walang face shield at face mask.
Ito ang inanunsyo ng Facebook page ng lokal na pamahalaan ngayon ring araw.
Dagdag pa ng LGU-Banton, ang mga hindi susunod sa panibagong kautusan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ay maaring maharap sa kaukulang parusa.
ADVERTISEMENT
Maalalang ginawang mandatory ng IATF ang pagsusuot ng face shield kasama ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 sa bansa.