Nadagdagan ang mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bayan ng Romblon, Romblon batay sa ulat ng PESU ngayong Huwebes, December 3.
Ayon sa ulat ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), sa 17 na test results na dumating ngayong araw ay tatlo (3) ang nagpositibo sa virus.
Naka-isolate na ngayon ang tatlo ayon sa Rural Health Unit ng Romblon.
Dahil dito, umakyat na sa 30 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa probinsya kung saan 24 rito ay sa Romblon, Romblon habang ang 5 ay sa San Fernando at 1 sa Alcantara.