Tatlo ang nadagdag sa mga nahawa sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bayan ng Romblon, Romblon, base sa talaan ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) na inilabas ngayong Sabado, November 28.
Dahil dito, umakyat na sa 33 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa buong probinsya kung saan 26 ay nasa Romblon, Romblon; 6 sa San Fernando, at 1 sa Alcantara.
Nagsasagawa na rin ng contact-tracing ang lokal na pamahalaan ng Romblon para sa mga posibleng nakasalamuha ng 3 panibagong kaso sa bayan.
Samantala, ngayong araw ay nagpatupad na ng total lockdown sa 7 barangay sa bayan upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus.