Ilang bangka sa bayan ng Banton ang sinira ng malalakas na alon na pinalakas ng bagyong Pepito na dumaan sa gitnang Luzon kaninang umaga.
Paggising umano ngayong araw ng mga mangingisda sa Barangay Mainit at Yabawon, sira na ang mga bangka at halos hawassak na ang ilan.
Sinabi ng lokal na pamahalaan ng Banton na ang mga nasabing bangka ay insured naman at maaring mag-claim ang mga may-ari ng bangka ng pampagawa rito.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si bagyong Pepito ay ngayon ay isa ng severe tropical storm habang patuloy na lumalayo sa kalupaan ng Luzon.
Taglay nito ang lakas na 95kph malapit sa gitna ay may bugsong aabot sa 115kph.