Inaresto ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station at Cainta Municipal Police Station ang lalaking wanted sa kasong panggagahasa.
Kinilala ang naarestong suspek na si Richard Mangoba, 44 anyos.
Ayon sa spot report mula sa Romblon Police Provincial Office, si Manguba ay naaresto sa kanyang tinitirhan sa Villafuerte Compound, Brgy. Muntindilaw, Cainta, Rizal.
Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court Fourth Judicial Region Branch 19 sa Romblon, Romblon noong October 7, 2019.
Inaasahang dadalhin sa Romblon ang suspek.
Walang piyansa ang kaso nito.