Himas rehas ang isang 39 gulang na ama sa bayan ng Sta. Fe, Romblon matapos umano nitong suntukin at saksakin ng gunting ang sarili niyang anak na babae.
Ayon sa pulisya, ang 18-anyos na dalaga na tubong Sitio Manamok, Barangay Guinbirayan, ay sinuntok umano ng kanyang amak sa mukha, at sinaksak ng gunting matapos umano magalit ang una sa huli.
Kwento ng dalaga, nagalit umano umano ang kanyang ama matapos umano itong umuwi ng gabi noong ika-8 ng Agosto. Kinabuksan, habang nakaupo ang dalga, bigla nalang umanong dumating ang kanyang ama at pinagsisigawan siya hanggang sa ginupit ng kanyang amak ang kanyang buhok.
Sinadya rin umano ng kanyang amak na suntikin ang dalaga sa mukha, at sinaksak rin umano ng gunting ang kanyang dalawang kamay.
Mismong ang binata umano ng dalaga ang nakasaksi sa nangyaring insidente noong ika-9 ng Agosto.
Matapos ito, agad na isinugod sa ospital ang dalaga upang masuri, habang ang kanyang ama naman ay agad na inaresto ng mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station.