Isang lalaki ang natagpuang nakabigti ng mga kamag-anak niya sa isang puno sa Mt. Yamadog, Sitio Yambon, Brgy. Togong, Banton, Romblon nitong umaga ng Linggo.
Ayon sa pulisya, ang nasabing lalaki ay umalis ng kanyang bahay dalawang araw na ang nakakaraan ngunit dahil hindi ito umuuwi sa kanilang bahay, pinuntahan ito ng kanyang kapatid at kaibigan sa bundok.
Dito na nila natagpuang nakatali ang leeg nito at nakabitin sa isang puno.
Agad nilang itong ibinaba sa puno ngunit hindi na ito gumagalaw.
Sa pagsisiyasat ng mga kapulisan sa Banton, napag-alamang ilang beses na ring nagtangkang magpakamatay ang lalaki matapos iwan siya ng kanyang kasintahan.
Wala namang nakikitang foul play ang mga kapulisan sa nasabing insidente.