Matapos ang mahigit limang (5) buwan na pakikipaglaban ng lahat ng bansa sa buong mundo laban sa COVID-19, ang karaniwang tanong ng bawat isa, ‘ano na ang susunod na takbo ng buhay?’. Maraming mga opinyon ang ating mababasa, at halos iisa ang sinasabi – ‘pagkatapos na pandemya ay hindi na babalik sa normal, bagkus sa tinatawag nilang ‘new normal’ ang takbo ng buhay ng tao.
Ayon sa mga nababasa nating opinyon ng mga medical experts at intstitusiyon, ang COVID-19 umano ay hindi na mawawala, bagkus magiging katulad na ito ng ibang virus halimbawa, flu virus, nag maaaring dumapo sa tao anumang oras lalo kung panahon ng taglamig o tag-ulan, subalit nagkataon na kontrolado na ito dahil sa pagkakaroon ng bakuna. Sang sabi ng mga eksperto, kung magkakaroon na rin umano ng bakuna kontra COVID-19 ay parang magiging isa na lamang itong pangkaraniwang virus.
Itong nangyaring pagkakwarantina bilang isa sa mga pangunahing hakbang ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkakalat ng corona virus, ay naging isang eye-opener tungo sa potential ng ‘work from home’ bagamat maaaring hindi ito magkasing effecient ng pagtrabaho sa pisikal, idagdag pa rito ang limitasyon nato dahil hindi naman ito applicable sa ibang uri ng trabaho. Ganun pa man, totoong may potential nga ito na maging option ng pamahalaan upang mabawasan din ang bigat ng daloy ng mga sasakyan sa mga syudad. Yun nga lang, medyo gagapang pa ito sa Pilipinas dahil hindi naman singbilis ang internet ng Pinas kumpara sa ibang mga bansa, so ito ang magiging problema nito.
Ganun pa man, why not give it a try? Pero kailangang pagandahin ng mga kinauukulan ang serbisyo sa komunikasyon at internet upang mas maging mabilis at available ito sa lahat.