Lumalabas na nakakarami sa mga parents na Romblomanon ang pabor na itigil muna ng DepEd ang mga klase/pasok sa paaralan habang wala pang lumalabas at aprobado na bakuna laban sa COVID-19. Ito ang lumabas sa online survey na nilabas ng Romblon News simula May 20, hanggang ngayong araw, May 30, 2020. Ayon sa survey result, 85% ng mga nagresponde sa survey ay pabor na itigil muna ang klase, 13% naman ang OK lang na ituloy pa rin ang mga klase, samantalang may 2% na hindi pa alam ang choice. Nasa 205 ang kabuoang bilang ng mga sumali sa online survey.
Bagamat maaaring ang survey population ay hindi ganun karami, pero mababasa sa mga komento na halatang mas gugustuhin ng mga magulang na ‘wag munang papasukin ang kanilang mga anak sa paaralan habang nananatiling may banta ang coronavirus.
Maraming sektor kasama na ang ilang mga mambabatas sa DepEd na itigil muna ang pasok sa mga paaralan hanggang sa susunod na taon.
Samantala, ayon din sa Palasyo, sa anunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang press briefing noong Miyerkules (May 27, 2020), na matutuloy pa rin ang enrolment sa mga pampublikong paaralan simula June 1, 2020.
What's your thought?




































