Hindi na umabot ng buhay sa clinic ang isang nakainum na lalaki matapos itong malunod sa dagat sa Barangay Paroyhog, Sta. Maria, Romblon nitong hapon ng Sabado.
Kinilala ng pulisya ang lalaki na si Ceriaco Ga Galindez, 47, residente ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ng Sta. Maria Municipal Police Station, naligo umano mag-isa sa dagat ang lasing na biktima hanggang sa makita siya ng kanyang anak na palutang-lutang nalang sa baybayin.
Agad itong hinila papunta sa tabing-dagat para sana i-revive ito ngunit bigo ang kanyang anak at ilang tumulong sa kanya.
Nangyari ang aksidente sa gitna ng pagpapatupad ng general community quarantine sa bayan dahil sa Covid-19.