SANTA MARIA, Romblon – Isang 20-anyos na babae sa bayan ng Sta. Maria, Romblon ang kinitil ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili nitong gabi ng Miyerkules, May 20.
Ayon sa report ng Sta. Maria Municipal Police Station, bandang 9:30 ng gabi nang madatnan ng kinakasama ng biktimang si Arlie Ibañez Radaza ang walang buhay na katawan ng biktima na nakatili ang leeg at nakabitin sa kesame ng kanilang bahay sa Sitio Ilaya, Brgy. Concepcion Norte.
Agad na humingi ng tulong ang kinakasama ng biktima para putulin ang tali at para na rin subukan itong i-revive ngunit bigo sila.
Sinubukan pang isugod si Arlie sa Rural Health Unit ng Sta. Maria ngunit idineklara itong dead on arrival.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, ilang araw na raw napapansin ng asawa ng biktima na tila tuliro ito at gusto ng umuwi ng kanilang bayan sa Iloilo City.
Wala naman umanong nakikitang foul play ang pulisya sa nasabing insidente.



































