Nasawi ang isang barangay kagawad ng Barangay Mabulo matapos masangkot sa aksidente sa Barangay España, San Fernando nitong umaga ng Biyernes.
Kinilala ng San Fernando Municipal Police Station ang nasawi na si Facundo Malicse Salido, driver ng nasangkot na owner type jeep.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungo ng Brgy. Poblacion ang dalawang sasakyan kung saan nasa unahan si Salido at sinusundan ng hilux na minamaneho naman ni Constancio Gutierez Ramilo.
Sinubukan umanong nag-overtake ni Ramilo kay Salido ngunit nasalpok nito ang likod ng owner-type jeep dahilan upang mag crash ang dalawang sasakyan.
Nagtamo ng sugat ang parehong driver, at ang sakay anak ni Salido na kanyang sakay, dahilan upang isugod sila sa Rural Health Unit.
Matapos ang 30 minuto, binawian ng buhay habang nasa ospital ang kagawad.
Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing aksidente.