Magpupulong muli sa susunod na linggo ang mga miyembro ng Provincial Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (PIATF-MEID) ng lalawigan ng Romblon para pag-usapan ang mga bagong patakaran ng ipatutupad na General Community Quarantine sa susunod na buwan.
Sa text message ni Congressman Eleandro Madrona, co-chairperson ng PIATF-MEID, nitong Biyernes, sinabi nitong magpapatawag sila ulit ng pagpupulong pag nakakuha na sila ng kopya ng inaprubahang guidelines ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases.
Dito pag-uusapan ang mga local na polisiya na ipapasa sa opisina ni Governor Jose Riano para sa gagawing executive order.