Isang wala ng buhay na pawikan ang nakita ng ilang mangingisda sa tabi ng dagat sa Barangay Batiano sa bayan ng Odiongan nitong ika-7 ng Abril.
Ayon sa mga residente sa lugar, ilang kabataan ang unang nakakita sa walang buhay na pawikan bandang hapon ng Martes.
Ipinaalam rin umano agad sa mga opisyal ng barangay ang kanilang nakita para umano masuri ito at para malaman kung ano ang dapat gawin.
Sa pagsisiyasat, posible umanong nadaanan ng elise ng isang barko ang pawikan at inanod ng tubig papunta sa baybayin ng barangay.
Agad namang inilibing ang nasabing pawikan sa lugar matapos ang ilang oras.