Patay matapos malunod sa dagat ang isang Indian national nitong tanghali ng Sabado sa Barangay Batiano sa Odiongan, Romblon.
Ayon sa police report mula sa Odiongan Municipal Police Station, bandang 12:10 ng tanghali ng tumungo sa dagat ang nakainum na Indian national na si Sibi Sundaresan, 42, sa dagat para maligo mag-isa.
Ilang minuto pa ang lumipas, napansin nalang ng ilang mangingisda na tila lumulutang na ang katawan ni Sundaresan kaya agad nila itong hinila papunta sa dalampasigan.
Sa tulong ng mga tuahan ng Coast Guard Station – Odiongan, sinubukan pa nilang i-revive ang biktima ngunit bigo sila.
Sinubukan ring isugod pa sa Romblon Provincial Hospital si Sundaresan ngunit idineklara itong dead on arrival.
Si Sundaresan ay dumating ng Odiongan noong Pebrero para sana maghanap ng pwede pasukang negosyo ngunit hindi nakabalik ng San Juaquin, Iloilo matapos maabutan ng lockdown.
Naipalam na sa mga kamag-anak ni Sundaresan ang nangyari sa biktima.