Himas rehas ang dalawang lalaki sa bayan ng Odiongan, Romblon matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station na pagala-gala kahit oras ng curfew nitong gabi ng Biyernes.
Kinilala ang dalawang lalaking napag-alaman ring lasing na sina Rey Barandon, 21 anyos; at Remajun Calay, 26 anyos.
Ayon sa report ng Odiongan Municipal Police Station, ang dalawang lalaki ay nakita nilanag naglalakad ng pagiwang-giwang sa kalsada sa harap ng Justice Hall bandang alas-8 ng gabi.
Dito na sinita ang dalawa at hinananapan ng quarantine pass para maging rason kung bakit nasa labas sila sa panahon ng enhanced community quarantine ngunit wala silang maipakita sa mga pulis.
Sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa inuman ang dalawa sa Barangay Budiong at pauwi na sana sa Barangay Liwayway at Barangay Dapawan nang maabutan ng mga kapulisan.
Agad silang dinampot at dinala sa Odiongan Municipal Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code at ng paglabag sa Section 9 ng Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concert Act.
Paalala ng mga kapulisan, sumunod sa mga kautusan na ipinatutupad sa panahon ngayon lalo pa’t may kinakaharap ang bansa na krises.