Patay ang isang ginang na naka-admit sa isang private ospital sa Odiongan, Romblon matapos di umanong magbaril sa kanyang sarili nitong umaga ng Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si Jigie Bangalisan Marcelino, 42 anyos, empleyado ng Munisipyo ng San Andres.
Sa kwento ng asawa ng biktima na si Police Staff Sergeant Lupito Marcelino, umalis umano siya sandali sa ospital papunta sa isang simbahan para tumawag ng Pastor para sana hilingin na ipanalangin ang kanyang asawa na ilang araw ng hindi nakakatulog at masakit ang ulo.
Pagbalik niya sa kwarto ng ospital, tumambad sa kanya ang duguang asawa at ang baril niya na nasa tabi nito.
Iniimbestigahan na ng Odiongan Municipal Police Station at ng Scene of Crime Office ang nasabing pangyayari para masigurong walang foul-play sa di umano ay pagpapakamatay ng ginang.