Isang army reservist ang inaresto ng mga tauhan ng Sta. Fe Municipal Police Station matapos magdala ng hindi rehistradong mga baril sa isang checkpoint sa kabila ng mahigpit na ipinatutupad na enhanced community quarantine sa lugar.
Ayon sa report ng Santa Fe Municipal Police Station, March 25 nang maaresto ang suspek na si Rolando Ilacio, 60, sa isang checkpoint sa Barangay Mat-i.
Pagdating umano ng army reservist sa checkpoint, nakita siya ng mga pulis kaya agad na nilapitan at hinananap ng mga dokumento ngunit wala umano itong maipakita.
Habang inaaresto ang suspek ay nanlaban umano ito at nanakit pa ng pulis.
Si Ilacio ay nakakulong na ngayon at nasampahan na ng mga kaukulang kaso sa Provincial Prosecutor’s Office.
Walang pahayag ang suspek.