Tiklo sa ikinasang operasyon ng Magdiwang Municipal Police Station ang apat katao sa bayan ng Magdiwang matapos maaktuhan di umanong naglalaro ng ‘Pusoy’.
Ang apat na suspek ay pawang mga residente ng Barangay Poblacion.
Ayon sa police report mula sa Romblon Police Provincial Office, bandang alas-10 ng gabi habang nagsasagawa ng patrolya ang mga kapulisan sa lugar nang maaktuhan nila ang apat.
Nakuha sa mga suspek ang isang deck ng baraha, at pera na ginagamit umanong pamusta.
Dinala na ang mga suspek sa Magdiwang Municipal Police Station para sa isasampang kaukulang kaso.
Walang pahayag ang mga suspek.