Tiklo matapos maaktuhan di umanong naglalaro ng baraha ang tatlo katao sa bayan ng Cajidiocan, Romblon nitong hapon ng Lunes, April 27.
Ang operasyon laban sa mga suspek ay ikinasa ng Cajidiocan Municipal Police Station kasama ang Provincial Intel Unit kung saan naaktuhan nila ang mga suspek na naglalaro ng poker sa Barangay Cambajao.
Nakuha sa mga ito ang isang deck ng playing cards, at bet money.
ADVERTISEMENT
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9287 ang mga nahuling suspek.
Wala silang pahayag.