Dahil parin sa banta ng 2019 novel coronavirus, kinansela na ng pamunuan ng Church of the Foursqure of the Philippines – Romblon-Aklan District ang nakatakda sanang summer youth camp ngayong taon bilang paraan upang makaiwas sa nasabing sakit.
Ang simabahan ng Foursqure of the Philippines ang unang nagkansela ng kanilang malaking event ngayong taon dahil sa nasabing sakit.
Batay sa pinakahuling datus ng World Health Organization o WHO, may aabot na sa 93,090 ang naitalang kaso ng coronavirus sa 77 na bansa, at aabot na sa 3,198 ang nasawi mula ng ito ay kumalat mula sa Wuhan, China.
Sa Pilipinas, nanatiling 3 ang naitatalang kaso ng Department of Health.