Muling magpapatupad ng striktong implementation ng passenger monitoring ang lokal na pamahalaan ng Odiongan at ang rural health unit ng bayan kasunod ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa ginanap na committee hearing ng Committee on Public Health ng Sangguniang Bayan ng Odiongan nitong Miyerkules, sinabi ni Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic na simula bukas, ang lahat ng pasahero galing ibang probinsya na baba ng Odiongan Port ay kailangang sagutan ang health decleration card na ibibigay sa kanila ng mga bantay sa pantalan.
Laman ng decleration card ang pangalan ng pasahero, kung saan siya nakita, kanyang numero, kung may nararamdaman ba siyang karamdaman, o sakit, o di kaya ay kung may kasaysayan ba siya na bumiyahe ng mga bansa na apektado ng local transmission ng COVID-19.
Lahat rin ng pasahero ay kukunan ng kanilang temperatura bago makalabas ng pantalan.
Maglalagay rin ng mga nurses na magbabantay sa pantalan katulong ang Barangay Health Response Team ng Barangay Batiano at Poctoy.
































