Isang magsasaka sa Barangay Dulangan, Magdiwang, Romblon ang pinagtataga ng kanyang kainuman nitong gabi ng March 20 sa gitna ng pagpapatupad ng curfew dahil sa enhanced community quarantine.
Kinilala ang biktima na si Fidel Robiso, 68 anyos, residente ng nabanggit na barangay.
Sa report mula sa Romblon Police Provincial Office, bandang 9:30 kagabi habang nakikipag-inuman ang biktima sa suspek na si Rudy Rodeo, 51, bigla nalang umanong nagkaroon ng pagtatalo.
Ilang minuto ang lumipas, nagkainitan ang dalawa at bigla nalang bumunod ng bolo ang suspek at pauli-ulit na tinaga ang biktima.
Nagtamo ng taga sa dibdib at sa ulo ang biktima na agad namang isinudo sa Magdiwang Health Center, ngunit kalauna’y inilipat sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan.
Ligtas na umano ang lagay ngayon ng biktima.
Samantala, agad na naaresto sa hot-pursuit operation si Rodeo at ngayon ay nakakulong na sa Magdiwang Municipal Police Station.
Mahaharap ito sa kaukulang kaso.