Napunit ang mukha ng isang tricycle driver sa San Agustin, Romblon matapos sumemplang ang dala niyang sasakyan bandang alas-5 ng hapon kanina dahil umano sa sobra nitong kalasingan.
Kinilala ng pulisya ang tricycle driver na si Eddie Mingo, residente ng Barangay Cabolutan.
Batay sa imbestigasyon, pauwi na ng Cabolutan galing Carmen ang rider nang mawalan ng kontrol sa kanyang sasakyan at sumalpok sa steel barrier na nasa gilid ng kalsada.
Agad na isinugod sa Tablas Island District Hospital si Mingo ngunit inilipat rin agad sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan upang doon gamutin.
Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang lagay ng biktima.