Isang bahay sa bayan ng Odiongan, Romblon ang nilooban ng mga kawatan nitong madaling araw ng Biyernes, January 31.
Ayon sa may-ari ng bahay sa Barangay Anahao, umaga umano ng bumalik siya sa kanyang bahay sa gilid ng national road nang mapansin niya na bukas na ang pintuan ng kanilang bahay at pagpasok nito ay nagulat siya dahil nawawala na ang kulay itim na motorsiklo ng kanyang anak.
Hinala ng may-ari ng bahay, nilooban sila dahil kahit ang kanyang alkansya na puno ng coins ay binuksan rin ng mga kawatan.
Nagsumbong na umano sila sa Odiongan Municipal Police Station kaugnay sa nangyaring insidente.