Sugatan ang dalawang rider sa bayan ng San Andres, Romblon matapos magsalpukan sa kahabaan ng national road sa bahagi ng Sitio Tulay, Barangay Pag-alad, San Andres, Romblon.
Sa imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station, patungo ng North direction ang fish vendor na si Junnel Galigao nang biglang maputukan ng gulong at mawalan ng kontrol sa sasakyan hanggang sa masalpok nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Elizer Galabayo.
Natumba ang dalawang rider sa kalsada dahilan upang magtamo sila ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad silang isinugod sa ospital para gamutin.
Patuloy naman na inaalam ng San Andres Municipal Police Station ang posibleng managot sa nasabing aksidente.