Patay ang isang senior citizen na naglalakad lamang sa national road sa Barangay Agpudlos matapos masalpok ng isang motorsiklo nitong gabi ng February 23.
Kinilala ni Captain Edwein Bautista ang nasawi na si Julito Gabaldon, 73 anyos, at residente ng Barangay Linawan.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad sa gilid ng kalsada si Gabaldon hila-hila ang kanyang bisikleta nang biglang masalpok ng motorsiklo na minamaneho naman ni Jake Rivas, 19 anyos.
Natumba sa kalsada si Gabaldon at nabagok ang ulo dahilan kung bakit agad siyang nawalan ng malay.
Naisugod pa sa Romblon Provincial Hospital ang biktima ngunit binaiwan rin ng buhay matapos ang isang oras na gamutan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sana ng simbahan ang rider na walang lisensya nang mangyari ang aksidente.
Kusa naman siyang sumuko sa San Andres Municipal Police Station matapos ang aksidente.
Posibleng marahap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide si Rivas.