Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na mas pagagandahin pa nila ang ilang domestic airports sa bansa kabilang na ang Romblon Airport sa Tugdan, Alcantara, Romblon.
Kasama rin rito ang mga airport papasok ng Camiguin, Virac, Tuguegarao, Catarman, Laoag, Maasin, Lubang, Camiguin, Masbate, Busunga, Bukidnon, Surigao, Siargao, Antique at Cauayan.
Samantala, sinabi rin ng DOTr na may aabot na umano sa 120 airport projects ang kanilang natapos simula noong July 2016, kabilang rito ang Bohol-Panglao International Airport na sinimulan noong June 2015, at inagurahan noong November 2018.
Natapos na rin umano ang Mactan-Cebu International Airport, Lal-Lo International Airport, Tacloban Airport, at ang Puerto Princesa International Airport’s new passenger terminal building.