Isang binata rin ang binawian ng buhay nitong Linggo matapos maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa national road sa bahagi Sitio Tambuyongan, Barangay Dona Juana, San Agustin, Romblon.
Ang biktima ay kinilalang si Eljohn Merano, 21 anyos.
Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, pauwi na sana si Merano bandang alas-12 ng hating gabi nitong Linggo nang mawalan siya ng kontrol sa minamaneho niyang motorsiklo hanggang sa mag crash ito.
Sinubukan pang isugod sa Tablas Island District Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo.
Walang suot na helmet ang rider nang mangyari ang aksidente. Patuloy rin na inaalam ng pulisya kung nakainum si Merano.