Sugatan ang dalawang rider ng motorsiklo matapos silang magsalpukan sa kahabaan ng national road sa Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon nitong hapon ng Linggo, February 02.
Kinilala ang mga rider na sina Arman Madeja, at si Joel Lachica.
Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, binabaybay umano ng motorsiklo ni Lachica ang national road nang biglang kainin ni Madeja ang linya nito dahilan upang magsalpukan ang dalawa.
Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang dalawa sa kalsada dahilan upang magtamo silang dalawa ng sugat sa ulo.
Agad naman silang isinugod sa Romblon Provincial Hospital ng mga rumespondeng tauhan ng Odiongan Rescuers.