Umabot ng 654 pamilya sa bayan ng San Agustin na naapektuhan ng Bagyong Tisoy ang naabutan ng tulong sa pamamagitan ng Team Tindog San Agustin, isang NGO mula sa bayang ito, na binubuo ng mga teachers, negosyante, womens at mga kabataan.
Ang mga relief goods na kanilang ipinamigay ay mula sa donasyon ng mga residente sa San Agustin kasama ang mga residente ng kalapait na bayan ng Odiongan, Sta Maria at ilang mula sa abroad.
Nakalikom ng Php 225,000 ang grupo at mula sa naipong pondo, binili nila ito ng sako sakong bigas, mga groceries at gamit sa katawan tulad ng toothpaste, sabon, shampoo at iba pa na umabot naman ng Php350.00 ang halaga bawat isang balot na ibinahagi sa 13 barangay.
Layunin rin ng grupo na mamahagi rin ng tulong sa mga nasalanta naman ng katatapos lamang na Bagyong Ursula.
































