Isang mahinang lindol ang naramdaman kaninang 9:10 ng gabi sa bayan ng Alcantara, Romblon, ayon sa mga residente sa nasabing lugar.
Batay sa taya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ang sentro ng lindol na may lakas na magnitude 2.6 ay naitala sa layong 27km SE ng bayan ng Alcantara.
ADVERTISEMENT
Tectonic ang pinagmulan ng lindol ay may lalim ang sentro nitong 6km.
Wala namang pinsala at aftershock na inaasahan ang Phivolcs sa nasabing pagyanig.