Sikat na sa mga bakasyunista ang lugar kung saan nagtatagpo ang mga bayan ng San Andres, Odiongan, at San Agustin, ang Cabaliwan Peak sa Tablas Island, Romblon.
Sa pagdami ng mga bumibisita rito, kapansin-pansin rin ang biglang pagkasira ng landmark o ang tanda boundary ng tatlong nabanggit na bayan.
Ayon sa isang netizen, nakausap niya ang may-ari ng aso na mahilig umakyat sa marker na ito ngunit ngayon ay wala na siyang maakyatan dahil sa pagkasira ng nasabing bato.
Nanawagan rin siya sa mga bisita na huwag mag-iiwan ng makalat sa bundok, dahil walang ibang maglilinis ng mga iiwang kalat sa lugar.