Sugatan ang apat katao kabilang ang isang senior citizen matapos masangkot sa salpukan ng dalawang motorsiklo ang kanyang sinasakyan nitong hapon ng January 05 sa bahagi ng Sitio Ambulong, Barangay Limon Sur, Looc.
Ayon sa imbestigasyon ng Looc Municipal Police Station, patungo ng Odiongan ang unang sasakyan na minamaneho ni Marco Panoy, sakay ang matandang si Corzaon Galang, nang masalpok ng nag-overshoot na motorsiklo na minamaneho naman ni Celina Mendoza.
Dahil sa pagkakasalpok, natumba sa kalsada ang tatlo kasama ang angkas ni Mendoza na si Louie Gusi.
Nagtamo sila ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahilan upang isugod sila sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital.
Inilipat silang apat kinalaunan sa Romblon Provincial Hospital upang mas bigyan ng atensyong medikal.