Anim na kahong pinaghihinalaang smuggled cigarettes na dadalhin sana sa bayan ng Odiongan ang nasabat ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station sa Looc Port nitong hapon ng Martes, January 22.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng tip na merong paparating na mga pinaghihinalaang smuggled cigarettes galing Malay, Aklan sakay ng pumpboat kaya agad silang nagpadala ng mga bantay sa Looc Port.
Pagdating ng pumpboat sa pantalan, tumambad sa kanila ang 272 reams ng dalawang klaseng sigarilyo na nakalagay sa anim na kahon.
Agad namang inaresto ang may dala rito na si Quentin Rose Cabalo Jr., dahil wala itong maipakitang papeles na legal ang pagbiyahe ng mga nasabing sigarilyo.
Nakakulong na ngayon si Cabalo sa Looc Municipal Police Station