Walang malay na isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang isa sa mga rider ng motorisklo na nasangkot sa salpukan ng dalawan motor nitong hapon ng Lunes, January 13, sa Barangay Tabin-Dagat, Odiongan, Romblon.
Ayon sa spot report mula sa Odiongan Municipal Police Station, binabaybay ng rider na si Michael Mameng ang JP Rizal St. sa Barangay Ligaya, nang bigla siyang masalpok ng isang motorsiklo na minamaneho ng estudyanteng si Silvestre Marinao III.
Tumilapon ang dalawa mula sa kani-kanilang sasakyan at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad na isinugod ang dalawa ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection – Odiongan sa ospital para gamutin.
Dinala na sa Odiongan Municipal Police Station ang mga sangkot na sasakyan habang patuloy na iniimbestigahan ang aksidente.
Sa ngayon, ligtas na ang lagay ng dalawang sangkot.