Nakakaranas na ng total blackout ang Sibuyan Island, Romblon dahil sa malalakas na hanging dala ng bagyong Ursula na kasalukuyang nasa Jintotolo Channel sa Iloilo.
Ayon sa Romblon Electric Cooperative Inc. (Romelco), pinatay nila ang supply ng kuryente sa buong isla pasado alas-6 ng umaga kanina.
Huling namataan ang bagyong Ursula kaninang alas-4 ng umaga sa layong 40 km East Northeast ng Roxas City, Capiz taglay ang lakas ng hanging aabot sa 140 kph malapit sa gitna at bugsong aabot sa 195 kph.
Gumagalaw ang bagyo patungong West Northwest sa bilis na 25 kph.
Nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa buong lalawigan dahil sa bagyong Ursula.