Maulan ang magiging pasko sa probinsya ng Romblon ngayong taon dahil sa bagyong Ursula.
Ayon sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa Romblon at sa mga sumusunod na lugar: Southern portion of Quezon, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Albay, Marinduque, Romblon, Sorsogon, Masbate including Ticao and Burias Islands Rest of Eastern Samar, Northern Samar, rest of Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, Central Cebu, northeastern Bohol, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, northern Negros Occidental, and northern Negros Oriental, Dinagat Islands, Surigao del Norte including Siargao Islands.
Signal #2 naman ang nakataas sa Guiuan, Eastern Samar.
Inaasahang bukas ng hapon hanggang gabi maglalandfall ang bagyo sa Eastern Visayas at magpapaulan sa Visayas at sa Southern Luzon.
Huling namataan ang bagyong Ursula sa kaninang alas-4 ng hapon sa layong 670 km East of Surigao City, Surigao del Norte taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km/h at bugsong 90 km/h. Gumagalaw itong West Northwest sa bilis na 30 km/h.
Samantala, dahil sa nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa lalawigan, kanselado na simula kaninang alas-5 ng hapon ang lahat ng biyahe ng lahat ng barko patungong Odiongan, Romblon, San Agustin, at Sibuyan galing sa mga probinsya ng Marinduque, Oriental Mindoro, Batangas, at Lucena.