May aabot na sa sampung pamilya na nasa coastal area ng Barangay Punta at Tuguis sa Looc, Romblon ang sasalubungin ang pasko sa evacuation center matapos silang ilikas dahil sa banta sa kanilang mga bahay ng bagyong Ursula.
Ayon kay Mayor Lisette Arboleda, nagpapatuloy parin ang ginagawa nilang pre-emptive evacuation sa mga coastal barangays ng bayan kaya posibleng tumaas pa ang nasabing bilang.
Pinayuhan naman ng alkalde ang mga hindi lilikas na huwag na munang lumabas ng kanilang mga bahay habang nanalasa ang bagyo.
Sa ngayon, pabugso-bugso palang ang ulan at hangin na nararamdaman sa lugar.