Sugatan ang dalawang rider matapos magsalpukan ang dala nilang mga motorsiklo sa bahagi ng Barangay Anahao, Odiongan, Romblon nitong hapon ng Sabado, December 7.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, patungo ng Poblacion ang rider na si Billard Gervacio, 32, nang masalpok ng kasalubong nitong rider na si Nolito Ferrera, 58, matapos mag-overtake sa isa pang sasakyan.
Kinain umano ni Ferrera ang linya ni Gervacio dahilan upang magkaroon ng head-on collision ang parehong sasakyan.
Tumilapon naman ang dalawang rider at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad na isinugod sa ospital ang dalawang rider ng mga sumaklolo sa kanilang mga residente.
Patuloy na iniimbetigahan ng Odiongan Municipal Police Station ang aksidente.