Nailigtas ng mga crew ng 2Go Travel sa Tablas Strait ang isang mangingisda na mahigit 17 oras ng nagpalutang-lutang sa dagat matapos lumubog ang sinasakyan nitong bangka.
Kinilala ng Coast Guard Station – Romblon ang mangingisda na si Amado Fornal, residente ng Concepcion, Romblon.
Ayon kay Fornal, umalis umano siya ng bayan ng Concepcion at tumungo sa dagat sa gitna ng Pinamalayan, Oriental Mindoro at Sibale Island upang mangisda ngunit lumubog umano ito dahilan upang magpalutang-lutang siya sa dagat ng mahigit 17 oras.
Nasa pangangalaga na si Fornal ng Philippine Coast Guard sa bayan ng Odiongan, Romblon at tutulungan itong makabiyahe pabalik ng isla ng Sibale.